Examples of lesson plans used


EXAMPLES OF LESSON PLANS USED

Here are some of the lesson plans I used in my practice teaching at San Vicente San Francisco National High School.


September 13, 2017

I.                    Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga magaaral ay inaasahang;
1.       Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon sa lipunan;
2.       Naipapaliwanag ang gampanin ng mga korporasyon o kompanya sa ilalim ng globalisasyong ekonomiko;
3.       Nailalarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng TNC at MNC sa tulong ng Retrieval chart.

II.                  Paksang Aralin

1.       Paksa : Ikalawang Markahan : Mga isyung pang-Ekonomiya – Unang paksa, Globalisasyon : Konsepto at Anyo.
2.       Sanggunian : Araling Panlipunan 10 : Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 2 : Mga isyung pang ekonomiya, pahina 4-5
3.       Estratehiya at Materyales : Video Presentation, Cartolina, Value Base, Inquiry approach and Differentiated Learning.

III.                Pamamaraan
1.       Paghahanda
1.1   Pagbati
1.2   Pagtatala ng liban
1.3   Balik- Aral
1.4   Motibasyon (Video Presentation)

2.       Paglalahad
2.1   Ano ang Multinational Companies?
2.2   Ano ang Transnational Companies?
2.3   Paano mailalarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng TNC at MNC?
2.4   Nagiging hadlang ba ang TNC at MNC sa lubusang pag unladng bansa?
2.5   Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng paglakas ng MNC at TNC?
3.       Paglalagom
3.1   3.1 Ano ang Multinational Companies?
3.2   Ano ang Transnational Companies?
3.3   Paano mailalarawan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng TNC at MNC?
3.4   Nagiging hadlang ba ang TNC at MNC sa lubusang pag unladng bansa?
3.5   Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng paglakas ng MNC at TNC?

4.       Paglalapat

GAWAIN VIDEO SURI
Ipapanood ang video mula sa (https://www.youtube.com/watch?v=wSt-BBvefJY) na ukol sa mga produkto o serbisyo ng Multinational at Transnational Company na matatagpuan sa Pilipinas at ibang bansa . Ang video ay kaugnay ng pagbibigay kahulugan sa terminong ito. Sa tulong ng video na ito ay makapagbibigay linaw sa mag aaral ukol sa panibagong paksa.
Pamprosesong tanong:
*Batay sa video na napanood ibigay ang halimbawa ng mga produkto o serbisyo na matatagapuan sa Pilipinas. Alin sa mga ito ang mga pangangailangang lokal?
*Ang pagbili ba ng serbisyo o produkto sa Jollibee, Mc Donalds, Pizza Hut, Starbucks, Yamaha at kauri nito ay masasabing bang pangangailangang lokal, bakit?
*Ang paggamit ng mga cellular phones sa panahong kasalukuyan, sa palagay niyo mabibilang nab a ito pangangailangang ng tao?

IV.                Pagtataya

GAWAIN 2: VIDEO SURI
Ipapanood ang video mula sa (https://www.youtube.com/watch?v=SK6_OvLNEz4
tungkol sa mga implikasyon ng Multinational at Transnational Company. At magbibigay ng ilang katanungan ang guro ukol sa video na napanood:

1. Magbigay ng ilang halimbawang produkto na napanood ukol sa multinational company?
2. Ano ang naidudulot ng negatibong epekto ng Multinational company at transnational ciompnay sa host country?
3. Bakit tinatangkilik ang ilang multinational company at transnational company sa ilang mga bansa?

V.                  Takdang Aralin

GAWAIN 2: TUKLAS KAALAMAN (HANGO SA PAHINA 184)
Panuto: Papangkatin ang klase. Ang gawain ay isusulat sa manila paper. Ang bawat grupo ay inaasahang maibigay ang kasagutan ng mga sumusunod :

* Ano ang implikasyon ng multinational at transnational company sa Pilipinas.
* Tukuyin ang local at international company sa Pilipinas. Magbigay ng tatlong halimbawa.
* Ano ang napagtanto ukol sa kompetisyon ng local at international company, batay sa kalidad ng serbisyo at produkto at presyo.


September 14, 2017

I.                    Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga magaaral ay inaasahang;
1.       Nakalilikha ng presentasyon ukol sa operasyon ng mga TNC at MNC sa kompetisyong lokal.
2.       Nasusuri ang implikasyon ng anyo ng globalisasyon sa lipunan;
3.       Naiuugnay ang multinational at Transnational companies sa ekonomiya ng bansa;

II.                  Paksang Aralin

1.       Paksa : Ikalawang Markahan : Mga isyung pang-Ekonomiya – Unang paksa, Globalisasyon : Konsepto at Anyo.
2.       Sanggunian : Araling Panlipunan 10 : Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 2 : Mga isyung pang ekonomiya, pahina 4-5
3.       Estratehiya at Materyales : Manila paper, Cartolina, Value Base, Cooperative at Collaborative Learning.

III.                Pamamaraan

1.       Paghahanda
1.1   Pagbati
1.2   Pagtatala ng liban
1.3   Balik- Aral
1.4   Motibasyon (Hands-up questioning)

2.       Paglalahad
2.1   Ilarawan ang Multinational at transnational Companies?
2.2   Malaking implikasyon ba nag naidudulot ng mga kompanya sa bansa?
2.3   Paano nakakaapekto ang TNC at MNC sa lokal na mamumuhunan?
2.4   Nagiging hadlang ba ang TNC at MNC sa lubusang pag unlad ng bansa?
2.5   Mapipilay ba ang ekonomiya ng bansa kung ipagbabawal ang MNC at TNC sa bansa?

3.       Paglalagom
3.1    Ilarawan ang Multinational at transnational Companies?
3.2   Mula sa mga prsentasyon ng mga ka-mag aral, malaking implikasyon ba nag naidudulot ng mga kompanya sa bansa?
3.3   Paano nakakaapekto ang TNC at MNC sa lokal na mamumuhunan?
3.4   Nagiging hadlang ba ang TNC at MNC sa lubusang pag unlad ng bansa?
3.5   Mapipilay ba ang ekonomiya ng bansa kung ipagbabawal ang MNC at TNC sa bansa?

4.       Paglalapat
GAWAIN 2: TUKLAS KAALAMAN (HANGO SA PAHINA 184)
Panuto: Papangkatin ang klase. Ang gawain ay isusulat sa manila paper. Ang bawat grupo ay inaasahang maibigay ang kasagutan ng mga sumusunod :

* Ano ang implikasyon ng multinational at transnational company sa Pilipinas.
* Tukuyin ang local at international company sa Pilipinas. Magbigay ng tatlong halimbawa.
* Ano ang napagtanto ukol sa kompetisyon ng local at international company, batay sa kalidad ng serbisyo at produkto at presyo.

Pamprosesong tanong:
*Batay sa video na napanood ibigay ang halimbawa ng mga produkto o serbisyo na matatagapuan sa Pilipinas. Alin sa mga ito ang mga pangangailangang lokal?
*Ang pagbili ba ng serbisyo o produkto sa Jollibee, Mc Donalds, Pizza Hut, Starbucks, Yamaha at kauri nito ay masasabing bang pangangailangang lokal, bakit?
*Ang paggamit ng mga cellular phones sa panahong kasalukuyan, sa palagay niyo mabibilang nab a ito pangangailangang ng tao?

IV.                Pagtataya

GAWAIN 2: Be Informed!
Upang malaman kung may natutunan ang mga mag aaral ay inaasahang masagot ang katanungang ibibigay ng guro. 
        *Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kinakaharap sa mga negatibong nadudulot ng MNC at TNC sa bansa?
        *BIlang mag aaral paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyon sa ibang tao ukol sa mga MNC at TNC?

V.                  Takdang Aralin

GAWAIN : Alamin mo!
Basahin at unawain ang susunod na paksa para sa susunod na aralin sa inyong hand outs mula pahina 5-8. Unawain ito para sa susunod na pagkikita.


October 18, 2017

I.                    Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga magaaral ay inaasahang;
1.       Nabibigyang kahulugan ang mga suliranin sa migrasyon;
2.       Nakapagbibigay ng mungkahi upang malutas ang mga suliranin sa migrasyon;
3.       Naisasabuhay at nasasalamin ang mga suliranin sa migrasyon sa loob ng silid at sa pang araw araw na buhay

II.                  Paksang Aralin

1.       Paksa : Ikalawang Markahan : Mga isyung pang-Ekonomiya – Ikatlong Aralin: Migrasyon
2.       Sanggunian : Araling Panlipunan 10 : Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 2 : Mga isyung pang ekonomiya, pahina 220-238.
3.       Estratehiya at Materyales : Manila paper, Value Base, Cooperative at Collaborative Learning.

III.                Pamamaraan
1.       Paghahanda
1.1   Pagbati
1.2   Pagtatala ng liban
1.3   Balik- Aral
1.4   Motibasyon (Hands up questioning)

2.       Paglalahad
2.1   Ilarawan ang mga suliranin sa migrasyon na mapapansin sa bansa?
2.2   Malaking implikasyon ba ang mga suliranin sa migrayson sa patuloy na pag usbong ng ekonomiya ng bansa?
2.3   Paano mo maipaliliwanag ang Human Trafficking, Slavery, peminisasyon sa migrasyon at Agawan sa teritoryo sa isyu ng migrasyon? Ano ang kalagayan ng mga mamamayan sa bawat isyu?
2.4   Nagiging malaking pagsubok ba sa kasalukuyang panahon ang pag aalis ng mga kababaihan upang mangibang bansa at matustusan ang mga pangangailangan sa tahanan?
2.5   Sa isyu ng agawan ng territory isang malaking pagsubok bas a migrasyon ang bangayan ng Pilipinas at Tsina?

3.       Paglalagom
3.1    Ilarawan ang mga suliranin sa migrasyon na mapapansin sa bansa?
3.2   Malaking implikasyon ba ang mga suliranin sa migrayson sa patuloy na pag usbong ng ekonomiya ng bansa?
3.3   Paano mo maipaliliwanag ang Human Trafficking, Slavery, peminisasyon sa migrasyon at Agawan sa teritoryo sa isyu ng migrasyon? Ano ang kalagayan ng mga mamamayan sa bawat isyu?
3.4   Nagiging malaking pagsubok ba sa kasalukuyang panahon ang pag aalis ng mga kababaihan upang mangibang bansa at matustusan ang mga pangangailangan sa tahanan?
3.5   Sa isyu ng agawan ng territory isang malaking pagsubok bas a migrasyon ang bangayan ng Pilipinas at Tsina?

4.       Paglalapat
GAWAIN:  DULAWIT
Panuto: Ang mag aaral ay papangkatin sa lima, at inaasahang maipakita sa tulong ng DULAWIT  Ang mga sumusunod na suliranin ng migrasyon sa Pilipinas.

·         Human Trafficking
·         Slavery
·         House Husbands, Peminisasyon ng Migrasyon
·         Territorial Disputes

IV.                Pagtataya

Pamprosesong tanong:
1. Batay sa gawain ano ang inyong mahihinuha sa mga ibinigay na kasagutan at performance ng bawat pangkat na natunghayan?
2. Ibigay ang pagpakahulugan ng terminong slavery, human trafficking at territorial disputes?
3. Bakit kaya humahantong sa ganitong suliranin ang migrasyon?
4. Sa iyong palagay may naitutulong ba ang migrasyon sa isang indibidwal, pumapabor ka bas a Migrasyon? Oo o Hindi, Bakit?
5. Sa pagkakataong ibinigay sa inyo ng guro ano ang inyong mahihinuha sa bawat gawain na iniatas sainyo ng guro?
6. Malaki ba ang naitulong ng gawain sa pag unawa ng mga suliranin ng migrasyon? Sa paanong paraan?
7. Para sa susunod pang gawain, Ano ang inyong mamumungkahi upang mapadali at maging maayos pa ang gawain?

V.                  Takdang Aralin

Panuto: Mag aral ng mga aralin mula Globalisasyon hanggang suliranin ng migrasyon upang paghahanda sa mahabang markahang pagsusulita. Ang mga impormasyon mula sa hand outs at sa lecture ang maaring pagkuhanan ng mga kasagutan.
       
November 16,  2017

I.                   Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga magaaral ay inaasahang;
1.      Natataya ang gender roles sa PIlipinas sa ibat ibang panahon.
2.      Nasusuri ang pagkakaroon ng isang tunay na pamumuhay at pagpapakatao ng indibidwal.
3.      Naiuugnay ang pamumuhay ng isang indibidwal sa pagpapakatao.
4.      Nakalilikha ng isang gender timeline ukol sa isyu ng gender roles sa Pilipinas.

II.                Paksang Aralin

1.      Paksa : Ikatlong Markahan : Mga Isyung At Hamong Pangkasarian
Kasarian sa ibat ibang lipunan, Konsepto ng Kasarian at Sex : Gender roles sa Pilipinas.
2.      Sanggunian : Araling Panlipunan 10 : Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 2 : Mga isyung pang ekonomiya.
3.      Estratehiya at Materyales : Video Presentation, Cartolina, Value Base, Inquiry approach and Differentiated Learning.

III.             Pamamaraan

1.      Paghahanda
1.1  Pagbati
1.2  Pagtatala ng liban
1.3  Balik- Aral
1.4  Motibasyon (Video Presentation)

2.      Paglalahad
2.1  Paano mo mabibigyang pangangahulugan ang gender roles sa Pilipinas?
2.2  Paano mo mahahati hati sa ibat ibang panahon ang pagkakaiba ng gampanin ng kababaihan at kalalakihan sa Pilipinas?
2.3  Paano mo maiuugnay sa pamumuhay ng isang indibidwal ang pagpapakatao?
2.4  Nagiging basihan ba ang kasarian ng isang indibidwal sa isang lipunan?
2.5  Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng diskriminasyong nararanasan sa pangkasarian ng isang indibiwal?
3.      Paglalagom
3.1  Paano mo mabibigyang pangangahulugan ang gender roles sa Pilipinas?
3.2  Paano mo mahahati hati sa ibat ibang panahon ang pagkakaiba ng gampanin ng kababaihan at kalalakihan sa Pilipinas?
3.3  Paano mo maiuugnay sa pamumuhay ng isang indibidwal ang pagpapakatao?
3.4  Nagiging basihan ba ang kasarian ng isang indibidwal sa isang lipunan?
3.5  Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng diskriminasyong nararanasan sa pangkasarian ng isang indibiwal?

4.      Paglalapat
GAWAIN: GENDER TIMELINE
  
   Batay sa binigay na pormat na timeline  buuin ang ilang mga kahon na ukol sa kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan sa ibat ibang panahon.

Pamprosesong tanong:
·         Alin sa mga panahon ang lubos na naubuso ang karapatang pangkakababaihan sa bansa? Ipaliwanag.
·         Sa anong panahon nagpasimula ang pantay na karapatan sa bawat kasarian? Bakit?
·         Paano naapektuhan ng gampanin at katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunang ginagalawan?

IV.             Pagtataya

GAWAIN : MY PERSONAL TISSUE HOLDER
  
     Panuto: Ang mga mag aaral ay magsasagawa ng isang sariling tissue holder na kung saan maipapamalas ang kanilang pagkamalikhain. Ang mga disenyo sa kanilang tissue holder ay kinakailangang batay sa kung ano ang gender o kasarian nila.

Pamprosesong Tanong:
·         Paano mo maiuugnay sa gender ang isinagawang tissue holder?
·         Sa iyong palagay, malaki ba ang magandang maidudulot ng paggawa ng ganitong bagay sa pagpapakatotoo ng isang indibidwal sa kanyang kasarian?
·         Nailabas mo ba ang iyong sariling saloobin sa paglikha ng isang bagay na ito?


V.                Takdang Aralin

GAWAIN: BORN THIS WAY

    Panuto: Ang buong klase ay magsasagawa ng isang sanaysay na may 300 na salita. Kinakailangan maipamalas ang kawikaan, impormasyon at repleksiyon  ukol sa
video na napanood. Ito ay isusulat sa buong papel na magsisilbing paunang gawain at pagtataya para sa paksa ng Gender Roles ng LGBT.



Comments

Popular posts from this blog

Prayer of a student teacher / Credo / Personal Education Philosophy

Pictures Documents of Final demonstration teaching

Preliminaries